Matagal talaga ako natutulong dahil sa work ko. Pero nung mahimbing na tulog ko, nag dream ako tungkol sa isang fix marriage na hindi ko mismo kilala ang lalaki. Nasa altar na daw kami. Both parents daw namin agree to that fix marriage. Na worried talaga ako dahil ikakasal daw ako sa taong hindi ko minsan nakilala at minahal. Buti na lang sa gitna ng ceremony ay meron break. Kung baga recess break daw. Dun ko inopen yung feelings ko for that guy. Sinabi ko na hindi ako tutuloy sa kasal kasi hindi ko talaga siya mahal. Walang kibo lang talaga ang lalaki. Naaawa na tuloy ako sa kanya. Umiyak n lang ako nun. Sinabi ko sa kanya na maging kaibigan na lang kami kasi masakit magpakasal sa taong hindi mu naman kilala.
Ewan ko after nun, parang pumunta na sa Facebook scene ang story. Magulo talaga ang panaginip! Dun naging friends kami sa FB tapos masaya na daw kaming nag co-comment ng mga status. Dala asarin pa nga eh. Hanggang na uwi rin pala sa kasalan nun! Ewan ko, bigla lang daw yun na kasalan. Dahil sa naawa lang ako pinakasalan ko na lang siya. Pero deep inside sa puso ko hindi ko pa rin siya mahal. Hanggag ikinasal na daw kami tapos pagkatapos ng kasal dun na ako nagsisisi.
Naguguluhan tuloy ako sa dream story ko! Hanggang sa magising na lang ako.. Tumulo na luha ko sa mga pangyayari! Sumakit tuloy ang dibdib ko pagkagising ko!
It was a nightmare for me kasi natakot ako baka ganun ang mangyayari sa real life! T_T






